Iba’t ibang programa sa mga Barangay sa Lungsod ng Tanauan at Implementasyon ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas, tinalakay sa 13th Regular Session ng Liga ng mga Barangay

Sa pangunguna ni ABC President Precious Germaine Agojo, tagumpay na isinagawa ang 13th Regular Session ng Liga ng mga Barangay ngayong araw, ika-03 ng Hunyo bilang bahagi ng consultative meeting ng 48 Barangay sa Lungsod.
Kabilang sa tinalakay rito ay ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan at kasalukuyang proyekto ng kani-kanilang barangay.
Samantala, pormal namang iginawad ng DILG Tanauan City sa pangunguna ni CLGOO Ms. Charlotte Flor Quiza ang pagkilala sa Cleanest Barangays sa Lungsod para sa 1st Quarter 2025. Kabilang sa mga ito ay ang:
• Brgy. Santol
• Brgy. Altura South
• Brgy. Altura Bata
• Poblacion 4
• Brgy. Banjo West
• Brgy. Sambat
• Brgy. Wawa
Ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes upang magkaroon ng bukas na ugnayan ang bawat Barangay sa Lungsod, partikular na sa paghahatid ng iba’t ibang programa’t serbisyo para sa mga Tanaueño
Previous The City Government of Tanauan proudly joins Kerry Philippines in the 2025 Global PRIDE Flag Raising Ceremony!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved