Pamaskong Regalo para sa mga Tanaueño!

AsiaPrime Philippines Corporation, nagpaabot Pamaskong Regalo para sa mga Tanaueño!
Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng Asia Prime Philippines Corp., naghatid ng saya ang pamunuan nito matapos makipagtulungan kina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ERPAT Adviser Mr. Rene Alcantara uoang maipaabot ang grocery packs para sa mga Tanaueño.
Ang nasabing aktibidad ay patunay ng bukas na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa iba’t ibang kumpanya upang maipaabot ang mga programa’t serbisyo sa bawat komunidad at sektor, lalo ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Habang nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa biyayang ipinagkaloob ng naturang kumpanya para sa ating mga kababayan.
May be an image of 6 people and text
Previous Nagkakaisang Barangay Police Force tungo sa mas Maunlad na Tanauan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved